Disclaimer: Blog ko po eto, akin eto, so karapatan kong ilabas ang opinyon ko. Galit ako sa kanila. Kung saliwat ang mga ideya nyo sa ideya ko. Pwes, wag nyong basahin! karapatan nyo rin yon. Wag nyo kong pakialaman sa paglalabas ng sama ng loob ko sa mga panggulong pulitiko ng bansa natin. Nanahimik kaming nagtatrabaho sa Makati nanggugulo sila. Let's get back to business please.
******************************************
Quarter to twelve, we're leaving for a meeting in Bonifacio High Street when my officemate, Jenz, told me that Trillanes and group are in Manila Pen. What the hell!!! Good thing, I decided to pack up my things, bring my laptop in case I cannot go back to the office. Makati avenue is closed already when we left. A lot of police and media people parked along the area and the uzis as expected are there.
I can't believe this guy, sabihin na nating valid ang issues nya, sabihin na nating may point sya, pero naman, tigilan na nya ang mga ganyang style! If he's serious in saying that he's concerned with the innocent people and all, he shouldn't have started it at all. If he's really concerned with our country, pwede bang pabangunin na lang nya, kesa dagdagan na naman nya ang dahilan para matakot ang mga tao dito sa bansa natin. Lugmok na lugmok na tayo, kung di sila magbibigayan lalong walang mangyayari.
Maawa naman sya at mga kasama nya sa mga taong manggagawa, sa mga middle class, sa mga office worker. Tama na ang away sa pulitika. Hindi ako kampi kay GMA o sa administrasyon, ang sa kin lang. Tigilan na natin etong bangayan na eto. Magkaisa naman tayo for a change. Magbigay naman sila.
Sasabihin pa nila sa tv, na ang gobyerno natin eh walang pakialam, na pati media at innocent people eh gusto nilang idamay dahil sa pagsugod. If he's concerned about them, he shouldn't have started it in the first place. Ano bang nasa isip nya nung plinano nya yun? na pababayaan lang sya ng government? hello!!!! mag-isip naman po please.
Nakikiusap ako. Tigilan na sana nila eto. Grow up please. Learn to give way. Hindi naman porke't naging successful ang military sa EDSA 1 eh ganun na lang parati, rebolusyon na lang parati, grow up naman. Maawa naman kayo sa kapwa Filipino nyo. Sawang-sawa na kami sa bangayan nyo.
Paano na ang Manila Pen? it's a very reputable hotel and they damaged it. Sobra!!! paano na ang events na dapat eh mangyayari dun? I read from Jody's blog, that there's supposed to be a wedding there tonight, grabe naman sila! hindi na sila naawa.
Tama na po. Ihinto na nila. Tigilan na please ang mga bugso ng damdamin. Mag-isip naman kayo. Pabawiin naman natin ang ating bansa. Dahil sa inyong mga pulitiko kaya ang daming mga mabubuting tao ang umaalis dito sa bansa natin. Dahil sa inyo kayo di tayo makabangon.
NAKAKAPIKON!!!!! PARE-PAREHO LANG KAYO SA PULITIKA.
BWISET!!!!
Thursday, November 29, 2007
Stop it now!
Posted in thoughts |
11:12 PM | by juliet
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment