our bed is getting smaller and smaller everyday. lumalaki na kasi at mas lumilikot matulog si kurt. like last night, naramdaman nya nung tumabi na ko sa kanya sa bed, kasi nagsabi na sya ng mama in his sleepy voice acknowledging my arrival. tapos twice syang nag-ayos ng pwesto sa kama at both times nauntog nya ako, so sabi ko naman "Ow!" cute-cute anak ko kasi sagot din sya on his sleepy voice ng "sorry mama!". ang galing lang kasi at least he knows his manners kahit pa antok na antok sya. since na-realize nya na medyo nakasiksik sya sa kin, nag-move sya so nauntog sya sa wall, sabay sabi ng "Ow!" cutey! hehehehe...
more on our bonding moments pa, he would also usually tell me na, "mama hug!" then after ko sya akapin, sabihin nya pa "mama hug more, more pa" then pag sobrang higpit naman na ng akap ko eh sabay reklamo na "mama, ipit" hay naku! funny talaga nitong anak ko.
meron pa yang pag instances na sa tatay nya ko nakaakap at dantay eh pipilitin akong paharapin sa kanya o minsan naman eh gagayahin nya yung way ng akap at dantay ko sa tatay nya at ako naman ang aakapin at dantayan nya. iniisip ko nga, ang cute siguro namin kunan ng picture = )
buti na lang talaga he knows din na hindi nya karibal ang daddy nya sa attention. hindi sya nagseselos and he knows na kelangan lambing din kami ng daddy nya. minsan pa nga pag nasa gitna namin sya eh lilipat sya dun sa may side ng wall para tabi kami ng daddy nya. bilib talaga ako sa batang eto.
Tuesday, June 26, 2007
sleeping time
Posted in kurt |
5:14 PM | by juliet