This blog is about my life. How I live it with the people I love. Adventures and misadventures in my life is journalled here.
RSS

Tuesday, July 08, 2008

Update on the little boy's schooling

Kasalanan ng blogging, or rather thanks sa bloghopping ko kasi I went to sleep late at nahirapan akong gumising kanina. The effect, I was not able to go to office. For some weird reason, medyo masakit din tummy ko sa talagang di ako makakapasok.

I was supposed to go to office late when I felt better na but decided to go with the little boy to school instead to get updates.

Teacher told me that I have to supplement the little boy's studying at home. He showed me the little boy's workbook and there I saw what the teacher was saying. Wala syang tiyaga to color, he knows the right color but he doesn't color the shape completely, paano ko ba ituturo sa kanya yun?

They are also currently studying LEFT, RIGHT, UP and DOWN to which the little boy was good naman. He was asked to recite in front of the class and he answered correctly. He was asked to identify which among the two chairs drawn on the board is facing left and he was able to encircle the right answer.

Next was their individual identification of colors. Teacher showed a board colored with the following colors: RED, BLUE, GREEN, ORANGE, YELLOW unfortunately, the little boy answered color YELLOW as GREEN so he did not get a star but a happy face stamped on his arm instead.

It has been actually our problem na talaga kasi may pagkasutil the little boy, he has the tendency not to take you seriously when asked for a color kaso even if ako ang magtanong nagkakamali pa rin sya and no matter how I explain how to properly color mali pa rin. Hay naku... though sabi naman ng cousin nya na 7 yrs. old na and boy rin is until now daw lagpas-lagpas pa rin sya mag-color. Sabi rin ni MIL, baka ganun talaga kasi boy, hindi masinsin mag-color.

I decided to go to NBS in my attempt to supplement his studies. I bought art papers of various colors and attached this to an illustration board so he can review, I also bought a wallchart of colors so sana naman in the next few days eh maging clear na ang yellow at green sa kanya.

On a positive note, I am so thankful that he is so well behaved in the school, hindi sya kasama sa mga tinatawagan ng teacher ng attention - ang suki si Joaquin and Matthew. Katakot pala if for preschool eh traditional school - parang naawa ako sa mga bata pag pinagsasabihan sila but I guess they have to learn discipline. Paano ba pag progressive? hindi ba pinapagalitan ang students? Masyado lang ba akong protective for my little boy? para kasing di ko matanggap na baka dumating ang time na si kurt eh papagalitan din.

2 comments:

SWITTOOTH said...

naku sis hinde ka nagiisa...hehehe hirap din ako paminsan magturo kay ize kasi pagkino correct ko sya e nagagalet hahaha... one time nga sa sobrang inis ko (short kasi pasensya ko) sabi ko sa kanya lalabas lang ako ng room, ayun paglabas ko pinagsusuntok ko yung wall namen hahaha..with matching sigaw pa. sometimes talaga mas MAHIRAP turuan ang boys ewan ko ba kung baket. ask ko rin mga younger sibs ko na lalaki at ganun din sabi saken, yung mommy ko raw dati kulang na lang e upakan sila hahaha. with regard to coloring, okay lang yan sis. si ize paminsan nalilito sa square at rectangle. ginawa ko lahat n makita namen na sqaure at rectangle tinatanong ko sa knya. eventually, nakuha na rin nya na mas smaller ang square. tama yung ginawa mo na bumili ng art paper, pakita mo lang everyday. si ize naman pagnagco-color lagi kong sinabi na wag lalampas sa black line. so, sa isang pic mga 10x kong pinapaalala sa knya. sawang sawa na siguro yun sa kakasabi ko! hahaha. dont worry sis, feeling ko kasi tong mga boys naten ayaw ng paulit ulit. so kahit alam nila sagot minamali. ganyan din si ize. kaya dont worry we're on the same boat. dapat matuto akong magpasensya kung hinde tatanda ako agad! ahhaha.. continue lang with your tech kasi you're on the right path...:)

SWITTOOTH said...

forgot pala sis, halos same din with progressive school. talked to izech's head teacher last sat kasi may PTA kame. sabi nya pagnag mimiss-behave daw yng mga kids, ginagawa nila is yng time-out style. sit in one corner para daw magreflect. so, natakot naman daw ako kasi baka naganun na si ize e hinde effective yng style na yun sa kanya. tatayo lang yun. mas better pa kung i-explain sa knya kung baket sya hinde muna paglalaruin with other classmates. buti naman at hinde pa nare-reprimand si ize. sinabihan ko din yung teacher na wag magsasabi ng words like bad boy or naything na may BAD na word kasi hinde namen sinanay si ize ng ganun tska magagalit si ize pagnarinig nya yun. ginagamet kasi namen is mga tipong " i dont like what you've done, that's not nice, etc"

halos same lang with trad yun...kausapin mo na lang teacher. sabihin mo na if ever pinagalitan sya sabihin din sa inyo. sometimes kasi pagnapahiya na yung kid sa harap ng classmates ayaw ng pumasok. kagaya nangyare kay mark (hubby) nung kinder sya. natrauma.